Martes, Enero 10, 2012

Sino Sina Melchor, Gaspar, at Baltazar?

Noong Biernes ng umaga(Enero 06), pagkatapos na ako'y maglaba at makakain, may isang babaing kumatok sa aming pinto at ang sabi niya, "Puwede pong humingi ng tulong? Kahit po barya o pagkain lang." May dala siyang isang greeting card. Kaya ang tanong ko, "Tungkol po ba sa relihiyon iyan?" "Ay! Hindi po. Humihingi lang po ng tulong. Happy Three Kings po sa inyo." Hindi ko tinugon ang pagbati niya ngunit nag-abot ako sa kanya ng pera. Hindi dahil nakikisunod ako sa kanilang tradisyon kundi iniisip ko na talagang humihingi lang siya ng tulong. Ginawa nga lang niyang dahilan ang tungkol sa pasko ng tatlong hari.
Naririnig ko ito sa mga kapitbahay-ang tungkol sa kina Melchor, Gaspar, at Baltazar. Sabi nga nila ay hinango mula sa Biblia. Ang tinutukoy nila ay ang tatlong hari na dumalaw sa sanggol na Si Jesus o ang ating Panginoon sa pagkasilang sa Betlehem.
Tama na sila ay mga haring pantas. Sila ay nagdala at naghandog ng mga alay para sa Tagapagligtas. Pabango, Kamangyan, at Mira. Mga mahalagang handog na may mahalagang kahulugan din.
Ngunit saan nagsimula ang pagdiriwang na ito? Ito ay hindi iniutos Ni Cristo na ipagdiwang. Wala tayong mababasang batayan sa Biblia na iniutos ito ng Dios. Nabuo lamang dahil sa tradisyong pang-tao. At saan ba nanggaling ang tatlong haring mago at binigyan sila ng mga pangalang ito? Ayon sa hula, magmumula sa Tarsis (Espanya na ngayon), Seba at Sheba (nasasakop ng lupaing Arabe at may ilang nagsasabi na katutubong taga India naman) Awit 72:10-11. Ipagpalagay na pong tama ang isang pangalan sapagkat ang isa ay sa Espanya nanggaling. Tunog Espanyol ang isa sa pangalan. Ngunit ang pangalang Arabe ay ibang-iba o malayo. Ang ilan sa pangalan doon ay gaya ng Kareem, Muhammad, Nasab o kung Tamil (India) naman ay mga pangalang gaya ng Amar, Akkam, Nishka atbp. Kaya mahirap na paniwalaan ang kulturang ito na nakasanayan.
Ang petsa naman ng pagsasagawa ay ika-6 hanggang 8 ng Enero na kapag sinuri natin ay taglamig ng panahong yaon sa Israel at lalo na kapag Disyembre (25) na itinuturo naman nilang petsa ng kapanganakan ng Sanggol. Lalong hindi nakasulat sa Biblia ang pagdiriwang para sa petsang ito. Papaano makapagpapastol sa labas o sa mga parang ang mga pastor kung panahon ng kanilang taglamig o tagyelo (Winter)at paano makapaglalakbay na mula sa malayo ang tatlong haring ito?
Ano ba ang halimbawang iniwan ng tatlong pantas na hari? Sila ang nagdala ng regalo o kaloob at hindi sila ang nanghingi. Na tulad ng ginagawa at sinusunod na tradisyon ng mga tao sa ngayon. Na sila ang lumalapit sa mga bahay-bahay upang makikain o manghingi ng limos o tulong. Ayon nga sa sinulat ni San Pablo, ...Lalo pang mapalad ang magbigay kay sa tumanggap (Gawa 20:33-35).
Kung ito ay malinaw na mababasa sa Biblia ang batayan, walang problema kung ating isagawa ngunit kapag hindi utos ng Dios ay lalabas na utos-tao lamang (Marcos 7:7-8). Kung ano lang ang utos ng Dios ang dapat nating sundin at panatilihan kung nais nating maligtas at maging dapat sa Dios (Roma 7:12; Deut. 12:32).

8 komento:

  1. Isa pa ay dapat nating lubos na maunawa ang tunay na kahulugan ng Pasko. Upang hindi tayo mamali sa pagsasagawa. May malalim na kahulugan ito.

    TumugonBurahin
  2. May relihiyon pb ang taltlong haring pantas

    TumugonBurahin
  3. Good sharing your stories.. ๐Ÿ’œ
    I love this kwento..

    TumugonBurahin
  4. Sands Casino Review | $300 Welcome Bonus + 125 FS
    Review of ๋ฐ”์นด๋ผ์‚ฌ์ดํŠธ Sands Casino Online Casino. ์ƒŒ์ฆˆ์นด์ง€๋…ธ The site is a casino in the Las Vegas area. It provides games 10cric from Microgaming, Microgaming, Nolimit City

    TumugonBurahin